1. Paggamit ng mga pandamdam. Gumagamit ng mga salita na makatutulong sa mga mambabasa o tagapakinig na makita, maamoy, marinig, malasahan, at maramdaman ng mga mambabasa ang ano mang inilalarawan. Halimbawa: : Kulay pula ang suot niyang damit Masangsang ang amoy ng bulaklak Napaso ako sa mainit na kaldero 2.Paggamit ng tiyak at kongkretong detalye. Halimbawa, sa halip na sabihin mong "maliit payat ang babae," sabihin mong "mga 4'10" lamang ang taas at mga 85 libra lamang ang kanyang timbang. 3.Paggamit ng mga tiyak na pangangalan at pandiwa. Halimbawa sa halip na "manok," gamitin ang "tandang" o "inahin." Sa halip na "tumakas," isulat ang tumalilis. 4.Paggamit ng mga tayutay, tulad ng pagwawangis (metaphor) at pagtutulad (simile). Halimbawa, sa halip na sabihin mong "maputi ang babae," maaari mong isulat na "kasimputing labanos ang babae." Sa halip na sabihin mong "matapang si Pedro," banggitin mong "isang tigre si Pedro." Sa paggamit ng pagtutulad at pagwawangis na ganito, nakabubuo ang mambabasa ng mas maliwanag na imahe. 5.Paggamit ng mga idyoma. Halimbawa: Butas ang bulsa- walang pera ikrus sa kamay-tandaan