Ang pagsunod at paggalang sa nakatatanda, pagrespeto at paggawa ng kabutihan sa kapwa ay isang magandang gawain para sa kabataang tulad mo. Ang paggawa ng mabuti ay ikinalulugod ng Diyos, ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kaniya, Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng (1) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggawa ng kabutihan at ekis (m) kung hindi 1. Paggalang sa opinyon ng iba. 2. Pagtatapon ng basura sa harap ng bahay ng kapitbahay. 3. Hindi pagsasabi ng totoo. 4. Pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. 5. Magpahiram ng gamit sa taong nangangailangan ngunit walang pambili 6. Pinipintasan ang pananamit ng iba 7. Nagpapasalamat sa taong pumupuri, 8. Humihingi ng tawad kapag nakagawa ng pagkakamali. 9. Ibinibigay ang upuan sa mga matatanda. 10. Nakikinig na mabuti kapag may nagsasalita