👤

Bakit mahalaga ang may kaalaman sa gawaing pang industriya

Sagot :

Mangilan ngilan ang mga taong hindi nakapagtapos,at pinipili na lamang magtrabaho o magbenta ng mga kagamitang gingamit sa pang araw araw n pangangailangan, ngunit dapat nating isaalang alang ang kahalagahan sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa gawaing pang industriya.

Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan ay lubhang mahalaga. Ang isang matagumpay na gawaing pangkabuhayan ay nagsisilbing palagiang hanapbuhay sa pamayanan. Dahit dito, nakatutulong ito upang mabawasan ang mga walang hanapbuhay.

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba't-ibang gawaing industriya gamit ang mga materyales ay lubhang napakahalaga sapagkat nagdudulot ito ng kapaki pakinabang at mapagkakakitaang hanap-buhay.Ang pamayanan ay magiging maunlad kung ang lahat ng tao ay may kaalaman sa mga gawing industriya na maaaring makadagdag sa kanilang kita.Kung ng hanap buhay ay laganap sa pamayanan, ang malayang oras ng mag anak ay magagamit sa makabuluhang bagay.Hindi lamang malalayo ang mga kabataan sa masamang bisyo bagkus masusubok din ang kanilang pagiging malikhain sa pagbuo ng mga kagamitang may mataas na kalidad.