Sagot :
Answer:
Karapatang Pantao Mga Dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao:1.CYRUS’ CYLINDERMaging malaya ang mga alipinKarapatang pumili ng nais na relihiyonPagkakaroon ng pagkakapantaypantay
2.MAGNA CARTA- hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinoman nang walang pagpapasya ng hukuman
3.PETITION OF RIGHTHindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng ParliamentPagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan
4.BILL OF RIGHTS- Karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at iba pang nanirahan sa bansa
5.Declaration of the Rights of Man and of the Citizen- Karapatan ng mga mamamayan
6.The First Geneva ConventionKarapatan ng mga nasugatan at may sakit na sundaloPagkakapantaypantay
7.Universal Declaration of Human Rights- Ito ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto (Sibil, Sosyal, Kultural, Ekonomiko, Politikal) ng buhay ng tao.Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa.Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946.Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights.Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre10, 1948 at binansagan ito bilang“International Magna Carta for all Mankind.”Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento.Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuong kani-kanilang Saligang-batas.UNITED NATIONS: UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN