Gawain 1 Basahin at piliin ang angkop na pamagat ng mga piling kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Tag-init noon, nagbakasyon ang pamilya ni G. Ruelo. Walang naiwan sa kanilang bahay upang mag-alaga ng mga halaman. Nang umuwi na sila, agad na pinuntahan ni Aling Nata ang mga halaman. Nalungkot siya dahil nalanta na ang mga ito. a. Ang Pamilya ni Aling Nata b. Ang Bakasyon ng mag-anak c. Ang mga Halaman ni Aling Nata 2. Nagtulong-tulong ang magkakapitbahay sa kalye Tinikling sa pag-apula ng malaking apoy. Binuhusan nila ito ng balde-baldeng tubig habang hindi pa dumarating ang trak ng bombero. Samantala, ang iba naman ay buong tapang na inilikas ang mga batang nasa loob ng nasusunog na bahay. a. Ang Sunog sa Kalye b. Ang Trak ng Bombero C. Ang Magkakapitbahay na Nagtutulungan 3. Mahilig maglaro ng saranggola sina Berto at Berta. Pinapalipad nila ito tuwing bakasyon dahil madalas ay malakas ang ihip ng hangin. Kahit mainit ang sikat ng araw ay tuwang-tuwa ang magkapatid sa pagpapalipad nito. a. Ang Magkapatid b. Tuwing Bakasyon c. Ang Saranggola ng Magkapatid 4. Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Mahalaga at nagagamit ang lahat ng parte ng punong ito. Ang dahon ay ginagawang bubungan at ginagamit naman sa paggawa ng bahay ang puno nito. Samantala ang bunga ay para sa pagkain. a, Parte ng Niyog b. Masarap ang Niyog c. Niyog, Puno ng Buhay 5. Nakakita si Carmen ng pitaka na may lamang pera sa upuan na malapit sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari nito. Naisip niyang ibigay ito sa kaniyang guro upang mahanap ang may-ari ng pitaka. Natuwa ang guro sa kaniyang ginawa. a. Ang Pitaka b. Ang kaniyang Guro C. Ang Batang Ma