Sagot :
Answer:
MAYNILA, Pilipinas – Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng batas militar o martial law ang buong Mindanaosa loob ng 60 araw matapos sumalakay ang Maute Group sa Marawi City noong Martes, Mayo 23. Ayon kay Ernesto Abella, tagapagsalita ng Pangulo, kinailangang ideklara ito dahil naaayon ito sa kaso ng rebelyon.Matatandaang nagdeklara rin si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng martial law sa probinsiya ng Maguindanao bunsod ng patayan sa bayan ng Ampatuan noong 2009.Anong nangyari sa pagpataw ng batas militar noong 1972?Kilala ang diktadurya ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagpataw ng batas militar noong 1972, bunsod ng paglala umano ng banta ng komunismo.Sa kanyang talaarawan, sinabi ni Marcos na ang planong pag-ambush kay Juan Ponce Enrile, ang dating kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, ang naging dahilan ng kanyang pagdeklara ng martial law.Ngunit pinabulaanan ito ni Oscar Lopez, na nakatira malapit sa pinangyarihan umano ng insidente. Dito nagsimula ang halos 10 taon ng batas militar sa Pilipinas. Bukod sa Proclamation 1081, naglabas din si Marcos ng general orders(GO) bilang pagpapatibay sa panunungkulan ng batas militar sa bansa. Nagbigay rin ng letters of instructionsa mga sumunod na araw ukol sa pagpapatigil sa operasyon ng mga mamamahayag, pagbabawal sa pagtitipon ng mga grupo, at iba pa. Kasama sa kanyanggeneral ordersang paglilipat ng anumang uri ng kapangyarihan sa pangulo, paglalagay ng curfew hours, at pag-aatas sa mga sundalong hulihin ang mga mamamayang hindi sumusunod o sumasang-ayon sa mga hakbang ng pangulo.Ngunit ang inaasahang hakbang tungo sa pandaigdigang disiplina ang naging sanhi ng maramihang pang-aabuso ng mga Pilipino.Ayon sa Amnesty International, 70,000 na katao ang ikinulong, 34,000 ang labis na pinahirapan o tinortyur, at 3,240 angpinatay sa pamamalagi ng martial law mula 1972 hanggang 1981. Ilan sa mga ginamit bilang pagpapahirap ang rape, pangunguryente, water cure, at strangulation. (BASAHIN: Worse than death: Torture methods during martial law)Ano ang mga proteksyong binibigay ng 1987 Konstitusyon laban sa abuso?Limang taon mula nang matapos ang martial law, napabagsak si Marcos sa pamamagitan ng rebolusyon noong 1986.Kasunod nito, nagkaroon ng panibagong Konstitusyon na may proteksyon laban sa posibleng muling pang-abuso ng pangulo sa kanyang kapangyarihang magdeklara ng martial law.Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksyon 18 ng 1987 Konstitusyon, maaari lamang magdeklara ng batas militar ang pangulo sabuong Pilipinas o sa bahagi ng bansa kung mayroong pananakop o rebelyon.Maaari rin niyang suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, na proteksyon ng mga mamamayan mula sa anumang pag-aresto nang walang warrant.Ngunit hindi awtomatiko ang pagsuspinde ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus kasabay ng pagdeklara ng martial law.
Explanation: