👤

bkt naging maalat ang tubig sa dagat​

Sagot :

☺︎︎ Ang asin ay madalas na nanggagaling sa bato na matatagpuan sa lupa. Maalat ang tubig dagat dahil sa nabubuong asin sa ilalim nito. Ang isa sa pinanggalingan ng asin ay ang lupang tinutuntungan natin.  Habang sinisipsip ng lupa at bato ang tubig ulan, tinutunaw nito ang mineral na “asin” at ang mga kemikal na sangkap nito. Ito ay dumadaloy sa dagat sa pamamagitan ng batis o ilog.  Ang tawag sa pamamaraan na ito ay weathering.  

karagdagang kaalaman!!

Ang ulan ay hindi purong tubig, dahil mayroon itong konting carbon dioxide na nakukuha nito sa hangin. Kung mapapansin mo ang ulan ay maalat-alat ng konti dahil sa carbonic acid. Tinawag na carbonic acid dahil naghalo ang carbon dioxide at ulan. Oras na bumagsak ang acid rain sa putik, may mga maliliit na mineral na napupunta sa bato papunta sa tubig. Ang tawag dito ay Ion. Ang Ion ay umaagos papunta sa ilog, kanal, batis, at papunta sa karagatan. Maraming mga Ions ay natanggal sa tubig sa pamamagitan ng mga tanim at hayop o isda na makikita sa dagat. Ngunit ang iba ay nanatili sa tubig hanggang sa milyun-milyong taon.

ccto, www.buhayofw.com