"Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang makataong kilos?
A. Nabasag ang mamahaling plorera na nabangga nang siya ay nadulas sa paglalakad sa makintab na sahig.
B. Kinausap ni Lara ang mga hurado upang masiguro niyang mananalo siya sa paligsahan sa pag-awit.
C. Natapon ang hinahawakang baso nang biglang gulatin siya ng kanyang nakababatang kapatid
D. Bigla siyang napasigaw ng malakas dahil sa nangyaring pagsabog sa labas ng bahay."