👤

Ang sitwasyong pangwika sa panahon ng mga kastila

Sagot :

Answer:

Ang wikang Kastila ay naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, at nagsilbi pa bilang lingua franca hanggang sa unang gitnang bahagi ng ika-20 siglo.[5] Ang wikang Kastila ang opisyal na wika ng Republikang Malolos, "sa ngayon", ayon sa Saligang Batas ng Malolos ng 1899.[6] Ang wikang Kastila rin ang opisyal na wika ng Republikang Kantonal ng Negros ng 1898 at ng Republika ng Zamboanga ng 1899.[7]

Noong unang bahagi ng pangangasiwa ng Estados Unidos sa mga Kapuluan ng Pilipinas, ang wikang Kastila ay malawak na sinasalita at matamáng napanatili sa buong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.[5][8][9] Gayunpaman, ang wikang Kastila ang ginamit ng mga kilalang tao sa Pilipinas mula kina Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera y Gorricho hanggang sa Pangulo na si Sergio Osmeña at ang kanyang kahalili na si Pangulong Manuel Roxas. Bilang senador, si Manuel L. Quezon (kinalauna'y naging pangulo) ay nagbigay ng kanyang talumpati noong dekada ng 1920 na pinamagatang "Mensahe sa Aking mga Mamamayan" (Message to My People) sa wikang Ingles at Kastila

Explanation:

:< hope it helps correct me if I wrong:>