Matttzy44go Matttzy44go Edukasyon sa Pagpapakatao Answered 6. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? A. Pinipilit ang sariling kagustuhan sa gitna ng pagtutol ng mga taong nakapaligid. B. Hindi nagpapaapekto sa mga bagay bagay kahit na may taong nasasaktan. C. Nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng kahirapan. D. Pabago-bago ng ambisyon sa buhay. 7. Ang sumusunod ay nagpapakita na kailangan ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay maliban sa: A. Isa itong mabuting gabay o giya sa ating pagpapasiya. B. Ito ay nagbibigay katatagan sa anumang unos na dumating sa buhay. C. Ito ay nagbibigay tuon sa pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay. D. Ito ay nagbibigay kakayahan sa pagsasagawa ng anumang pagpapasiya. 8. Sino ang nagsaalang-alang ng mabuting pagpapasiya para sa mas mataas na kabutihan o higher good? A. Nag-aaral nang mabuti si Pam upang makatapos at magkaroon ng diploma. B. Gustong magtapos ng pag-aaral si Lea upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya. C. Pinagbutihan ni Kara ang pagiging working student niya upang may maipagmalaki siya sa lugar nila.D. Nagsusumikap si Earl na makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa mga taong nangangailangan. 9. Ang ating mga pagpapasiya sa buhay ay maihahanlintulad sa larong chess na kinakailangang mamili ng tamang piyesa na ititira at magpasiya ng gagawing tira. Ano ang pinakamalapit na konklusiyon sa pahayag na ito? A. Hindi kailangang seryosohin ang buhay dahil gaya ng chess are laro lang ito. B. Gaya ng larong chess, may mga panahon sa buhay na ikaw ay mananalo at matatalo.C. Sa buhay gaya ng larong chess ay palaging may tagumpay at gantimpalang matatanggap. D. Kinakailangan na sa bawat galaw at desisyon sa buhay ay dapat ito’y pinagiisipan at pinag-aaralang mabuti katulad ng larong chess