👤

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang pabula. Sumulat ng tatlong katanungan na nagsisimula sa Bakit at Paano batay sa binasang kwento. n Ang Lobo at Ang Kambing Isang Lobo ang nahulog sa isang balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang makaahon palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noo'y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narinig ang tinig ng Lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa Lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng Lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang Kambing, at agad itong tumalon sa loob ng balon. Nalaman niyang siya'y niloko lamang ng Lobo. Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng Lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng Kambing. “Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung paano natin gagawin iyon," "Paano?" Noon ipinatong ng Lobo ang mga paa sa katawan ng Kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. "Sige, ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang Lobo sa tulong ng Kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng Kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang Lobong manloloko kung walang Kambing na magpapaloko.” At iniwanan ang malungkot na Kambing sa malalim na balon. Mga tanong gamit ang; Bakit: 11. 12. 13. Paano: 14. 15. 16.​

Sagot :

Answer:

11. Bakit tumalon ang kambing sa loob ng balon?

12. Bakit hindi agad nakalabas ng balon ang lobo?

13. Bakit hindi nakalabas ng balon ang lobo?

14. Paano nakumbinsi ng lobo ang kambing na tumalon sa loob ng balon?

15. Paano nakaalis sa loob ng balon ang lobo?

16. Paano nalaman ng kambing na niloloko lmng sya ng lobo?

if you find my answer helpful, kindly vote as the brainliest ^_^ #Ganchi