3. Sino ang hinirang na Pangulo ng Kumbensiyon na bubuo sa bagong Saligang Batas? A. Juan Ponce Enrile C. Cecilia Muñoz Palma B Fidel V. Ramos D. Joker Arroyo 4. Alin ang hindi kabilang na karapatan ng mamamayan ayon sa Saligang Batas 19872 A. Karapatang mabuhay at maging malaya B. Karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili C. Karapatang maging pribado ang pakikipag-ugnayan D. Karapatang makapag-aral ng libre sa kolehiyo 5. Ano ang naging ebidensiyang nagpatunay sa matatag na demokrasya sa ilalim ng Ikalimang Republika? A. pagkakaroon ng eleksiyon B. pagkakaroon ng libreng edukasyon sa elementarya C. pagkakaroon ng libreng edukasyon sa sekondarya D. pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa 6. Ano ang ginawa ni Pangulong Aquino upang manumbalik ang sigla ng pamumuhunan sa bansa? A. Nagpautang sa karatig bansa. B. Namuhunan sa ibang bansa. C. Nagtungo sa ibang bansa upang manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan. D. Nangutang sa World Bank. 7. Bakit itinatag ni Pangulong Cory Aquino ang National Reconciliation and Development Program? A. Upang mamahala sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. B. Upang mamahala sa pangkalahatang suplay ng pagkain. C. Upang matugunan ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pag-aalsa D. Upang mapanatili ang katahimikan sa bansa. 8. Ano ang layunin ng proyektong Summer Work Appreciation Program? A. Ang mga kabataang hindi nag-aaral ay mahikayat na mag-aaral muli. B. Ang mga kabataang hindi nag-aaral at nagbabakasyon ay hinikayat magtrabaho. C. Ang mga kabataang walang tahanan ay mabigyan ng masisilungan. D. Ang mga kabataang inaabuso ay mabigyan ng proteksiyon. 9. Bilang kabataan, ano ang iyong maiaambag sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa? A. Sayangin ang oportunidad na mag-aral. B. Balewalain ang mga proyekto ng pamahalaan para sa lahat. C. Mangibang bansa na lamang upang hindi makita ang kahirapan. D. Suportahan ang mga programa ng pamahalaan at sumunod sa batas. 10. Alin ang hindi kabilang na programa ni Pangulong Corazon Aquino para sa mga manggagawa? A. Community Employment and Development Program B. Free Interprise System C. Overseas Employment D. Industrial Peace Accord.