1. Ano ang isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan? A. Referendum C. Coup D'etat B. Pambansang Kumbensyon D. Batas Militar 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat ng tao na naghahangad ng pagbabago sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan? A. NPA B. CPP C. MNLF D. PNP 3. Sino ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP)? A. Nur Misuari C. Mao Tse Tung B. Jose Maria Sison D. Benigno Aquino Jr. A. B. 4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus? Nabibigyan nito ng karapatan ang mga mamamayan na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis. Nabibigyan nito ng karapatan ang mga mamamayang nagkasala na mapatawad ng korte. Nabibigyan nito ng karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa pulitika. Nabibigyan nito ng karapatan ang mga mamamayan na makapagpahayag ng opinyon. C. D. 5. Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayaring nagbigay daan para maideklara ang Batas Militar noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos? I. Pagsilang ng Makakaliwang Pangkat II. Paglubha ng mga Suliranin sa katahimikan at kaayusan III. Pagbomba sa Plaza Miranda IV. Pagsuspinde sa Pribilheyo ng Writ of Habeas Corpus A. I, II, III B. II, III, IV C. III, IV, D. Lahat ng Nabanggit 6. Ano ang naging epekto ng paglubha ng suliranin sa katahimikan at kaayusan ng pamumuhay ng mga mamamayan noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos? Naging madalas ang pagrarali at demonstrasyon ng mga estudyante at mga manggagawa. Naging mapamaraan ang mga mamamayan upang masolusyunan ang kanilang suliranin. Napilitan ang mga mamamayan na manirahan sa ibang bansa. Naging masunurin ang mga Pilipino sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.