👤

Ayon nga kay Covey,nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:​

Sagot :

Answer:

  • mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarli upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
  • nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagpapahayag ng ating pagiging bukod-tangi.
  • nagagampanan ng may balanse ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan at iba pa.
  • isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

Explanation:

Ano ang misyon?

-Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. Mula sa misyon ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa pagpili ng propesyong akademiko.

HOPE IT HELPS^-^