👤

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang Unang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na“The Great War”? A. Maraming nawasak na ari-arian at buhay. B. Ang digmaan ay nakasentro sa kalakhang Europa. C. Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga kababaihan at kalalakihan sa mundo. D. Ito ang kauna-unahang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan sa buong daigdig. 2. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa; A. Paglusob ng Germany sa Belgium. B. Pagdeklara ng Great Britain ng Digmaan sa Germany. C. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary. D. Pagtatag ng mga Nagkakaisang Bansa. 3. Sa pangkalahatan matindi ang naidulot na pinsala ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pahayag ang maituturing na mabuting naganap sa panahon sa pagsiklab ng digmaan? A. Napakaraming ari-arian ang nawala. C. Maraming buhay ang nawawala. B. Nagkakaisa ang mga mamamayan. D. Paglakas ng ekonomiya ng mga bansa 4. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa nagpulong upang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan noong Unang Digmaang Pandaigdig? A. England B. France C. Italy D. United States 5. Naging mahalaga ba ang papel ng mga kababaihan noong panahon ng Unang DigmaangPandaigdig? A. Oo, dahil nabigyan ang mga kababaihan ng oportunidad na gawin ang mga gawaing panlalaki. B .Oo, dahil naghangad ang maraming kababaihan na makapag-aral, makapagtrabaho at maging propesyonal. C. Wala, dahil maraming kababaihan ang sunod-sunuran sa mga kalalakihan. D. Wala, dahil sila ay nasa tahanan lamang. 6. Ang sumusunod ay ang mga bansa na kabilang sa puwersang AXIS, maliban sa isa; A. France B. Germany C. Japan D. Italy 7. Ang Blitzkrieg ay ang paraan na ginamit ni Adolf Hitler sa kanyang pananakop at pagpapalawak ng teritoryo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa paraang ito? A. Palihim na nagpaplano sa gagawing paglusob. B. Ipinaalam ang paglusob sa mga kaalyadong bansa. C. Ipinaalam sa buong Europa ang gagawing paglusob. D. Lulusob ang kanyang hukbong sandatahan na walang babala. 8. Ano ang naging dahilan ng Germany kung bakit tumiwalag ito sa Liga ng mga Bansa? A. pagbabawal ng Liga sa kanya na gumamit ng sandata. B. pagnanais na mag-isa sa gawing pananakop. C. napagod ang kanyang hukbong sandatahan. D. nawalan ito ng interes sa pakikidigma.​