11. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas. (A). Magna Carta ng 1215 (B). Universal Declaration of Human Rights (C). Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (D). Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
12. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas? (A). Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya. (B). Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan. (C). Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. (D). Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
13. Si Antonio ay inakusahan ng kasong pagnanakaw. Siya ay pinagkalooban ng korte ng pampublikong abogado upang ipagtanggol siya sa kanyang kaso. Ano ang karapatan na ipinapakita mula sa pahayag? (A). Karapatan ng nasasakdal (B). Karapatan sa pagmamay-ari (C). Karapatan sa di-makatuwirang pagdakip at paghalughog (D.) Karapatan sa sa mapayapang pagtitipon
14. Napag-alaman ni Allan at ng kanyang kasamahan na hindi nag-reremit ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ang kanilang kompanya. Ano ang karapatan ni Allan at ng kanyang kasamahan ang maaaring gamitin laban sa kompanya? (A.) Karapatan sa kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa (B.) Karapatan sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay (C). Karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa (D). Karapatang mapangalagaan sa pagsasamantalang paghahanapbuhay
15. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto? * (A.) Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto. (B.) Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon. (C). Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan. (D). Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat.
16. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang kasapi, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. (A) Citizen (B). Citizenship (C). Jus sanguinis (D). Jus soli
17. Alin sa mga sumusunod na Pilipino ang maaaring mawalan ng pagkamamamayan ng Pilipinas? (A). Nagtrabaho si Gabby sa ibang bansa sa loob ng 10 taon (B.) Nagpakasal sila Pedro at Juan sa isang bansa sa Europa (C.) Nag-asawa si Nadine ng dayuhan at nanirahan sa ibang bansa (D). Tumakas si Daniel sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan
18. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga tungkulin na inaasahan sa isang mamamayan maliban sa isa. (A). Si Maria na boluntaryong tumutulong sa kanilang simbahan. (B.) Si Juan ay aktibong nakikilahok sa proyekto ng kanilang lokal na pamahalaan. (C). Si Andres ay mapanuri sa mga nagawa at plataporma ng mga kandidato bago bumoto. (D). Si Jose ay hindi nagbabayad buwis sapagkat pinili niyang tuwirang tumulong sa mga mahihirap.
19. Ayon kay Yeban, maaaring matukoy ang katangian ng isang mabuting mamamayan. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang responsableng mamamayan maliban sa isa. (A). Mayroong kritikal at malikhaing pag-iisip (B). Mayroong disiplina sa sarili sa harap lamang ng awtoridad. (C). Mayroong malalim na kaalaman sa karapatan at tungkulin (D). Mayroong kamalayan at aktibong pakikilahok sa lipunan
20. Si Paolo ay ipinanganak at permanenteng nakatira sa Canada. Ang kanyang ama ay Canadian at ang kanyang ina ay Pilipina ngunit naging mamamayan ng Canada dahil sa proseso ng naturalisasyon sa nasabing bansa. Ano ang pagkamamamayan ni Paolo? (A). Si Paolo ay isang mamamayang Pilipino dahil ang kanyang ina ay may dugong Pilipino. (B.) Si Paolo ay mayroong dalawang pagkamamamayan sapagkat ang kanyang ina ay Pilipina at ang ama ay banyaga. (C.) Si Paolo ay isang Canadian citizen sapagkat ang kanyang Ama at Ina ay Canadian citizen at ang kanilang pamilya ay permanenteng nakatira sa Canada. (D.) Walang pagkakakilanlan si Paolo bilang isang mamamayan.