HEALTH Panuto: Tukuyin kung saan angkop ang mga paunang lunas kapag may lapnos o paso sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot. A. 1st degree burn B. 2nd degree burn C. 3rd degree burn 1. Pahiran o ilubog sa malamig na tubig o padaanan ng malamig na tubig galing sa gripo ng 15-20 minuto. 2. Kapag may burn ointment pahiran ang bahaging napaso at kung wala naman ay balutan ng ilang piraso ng bahaging gitnang katawan ng saging. 3. Huwag paputukin ang paltos, kung pumutok ito ng kusa ay maingat na hugasan sa sabon at malinis na tubig. 4. Balutan ng maluwag na tela (bandage) upang maiwasang malagyan ng alikabok at hindi madapuan ng insekto -Dalhin sa klinika ang biktima. 5. Kapag may mga damit na nakatakip sa matinding paso, alisin ito. Kapag ang tela ay nakadikit sa napasong bahagi, basain ito ng pinakulong tubig na pinalamig.