👤

Sabihin kung saang salik napapaloob ang bawat pahayag
SC-Suez Canal
PU-Panggitnang Uni
LP-Liberal na Pamumuno
TPM-Tatlong Paring Martir
1. Nang magbukas ito para sa mga sasakyang pandagat, naging mas mabilis at maikli
ang paglalakbay
2.Diskriminasyon sa mga paring secular.
3. Nagkaroon ang mga Pilipino ng malayang pagpapahayag ng kaisipan, pagpapaalls
sa mga pag-eespiya sa mga pahayagan, pagbibigay ng pahintulot na pag-usapan
ang mga bagay tungkol sa pulitika.
4. Tinutulan ng mga paring regular o Paring Espanyol ang pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga paring sekular.
5.Sa kanilang pag-aaral sa ibang bansa namulat sila sa kaisipang liberal at sa
mapang-abusing pamamalakad ng mga Espanyol sa ating bansa.
6. Naging mahalaga ang partisipasyon ng mga Illustrado sa paghahangad na
magkaroon ng pagbabago sa bansa.
7. Naging madali at mabilis din para sa mga dayuhang mangangalakal ang pagdadala
ng mga iba't ibang ideya at kaisipang liberal.
8.Pinamunuan ito ni Padre Pedro Pelaez ang kilusang sekularisasyon
9. Nangyari ang pag-aalsa sa Cavite na kinabibilangan ng mga sundalong Pilipino na
pinamunuan ni Fernando La Madrid na isang sundalong Pilipino na may posisyon
sa pamahalaan
10.Bumuo ng iba't ibang samahan sa Pilipinas at sa Europa na naglalayong makalaya
ang bansa sa mapaniil na pamumuno ng mga Espanyol.​