17. Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitar nang tumutol si Kabesang Tales. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi siya makapagbabayad ng buwis ay sa iba na lang ipalilinang ang lupa. Bakit makatotohanan ang pangyayaring nabanggit? A. Mayroon pa ring umaabuso sa kapangyarihan nilang taglay. B. Nagiging makasalanan ang tao dahil sa kawalang pananalig sa Maykapal. c. Masalimuot ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil sa mga hidwaang panrelihiyon sa ating mundo. D. Patuloy na sinisira ng modernisasyon ang ating kalikasan para lamang magkaroon ng kita ang malalaking negosyo. 18. Iniutos ni Hermana Penchang kay Huli na basahin nang paulit-ulit ang aklat na may pamagat na, "Tandang Basiong Makunat” at ibiniling makipagkita lagi sa pari upang maligtas ang kaluluwa nito. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? A. Matindi ang pagmamahal ni Hermana Penchang sa Diyos. B. Pinanghihinaan ng loob si Huli sa lagay ng kaniyang ama kaya't ipinagdarasal niya ito. c. Nais niyang matutong magdasal si Huli at manatili sa kaniyang bahay sa mga oras na wala nang gawain. d. Natatakot si Hermana Penchang sa maaaring mangyari kay Huli kung mapag-initan ito ng mga pari.