I. Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito. Isulat ang titik ng tamang sagot. 21. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA. A. Pebrero 19-22, 1986 C. Pebrero 22-25, 1986 B. Pebrero 16-19, 1986 D. Pebrero 24-27, 1986 22. Ito ang ahensya ng pamahalaang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon. A. NEM B. CAPM C. NAMFREL D. COMELEC 23. Ito ang partidong kinabibilangan ni Cory noong siya ay kumandidato bilang pangulo ng bansa. A. UNIDO B. Nacionalista C. Lakas D. Liberal 24. Dito tumungo ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan noong sila ay umalis sa Pilipinas. A. Australia B. China C. Hawaii D. Singapore 25. Siya ang Bise-Presidente ni Corazon Aquino sa nangyaring Snap Election. A. Arturo Tolentino C. Fidel Ramos B. Salvador Laurel D. Jose Conception _26. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas na tumiwalag sa Administrasyong Marcos. A. Fidel V. Ramos C. Salvador Laurel B. Juan Ponce Enrile D. Arturo Tolentino 27. Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at di pagtangkilik sa mga serbisyong ibinibigay nito.BILANG A. mapayapang demonstrasyon C. Lakas ng Bayan B. coup d'etat D. civil disobedience 28. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos. A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Awtokrasya 29. Ano ang ginawa ng mg Pilipinong nakiisa sa People Power 1 sa mga sundalong pinadala ni Marcos? A. Sinalubong nila ito ng sigawan. C. Binigyan nila ng mga damit at inumin B. Linabanan nila ang mga sundalo. D. Binigyan nila ng pagkain, inumin, at rosaryo 30. Bakit nagkaroon ng snap election? A. Dahil matagal ng walang eleksiyong naganap B. Para mapatunayan ni Marcos na may karapatang bumuto ang mga tao sa Pilipinas. C. Para mapatunayan na may tiwala pa ang mga taong-bayan kay Marcos D. Wala sa mga nabanggit.