👤

Mag Bigay Ng Limang (5) Kasabihan o Quatations na nagbibigay inspirasyon sa Iyong Buhay at Ipaliwang Ang mga Sinulat mong Kasabihan.

1. KASABIHAN
____________
1. PAGPAPALIWANAG SA KASABIHAN
______________________________
2. KASABIHAN
____________
2. PAGPAPALIWANAG SA KASABIHAN
______________________________
3. KASABIHAN
____________
3. PAGPAPALIWANAG SA KASABIHAN
______________________________
4. KASABIHAN
____________
4. PAGPAPALIWANAG SA KASABIHAN
______________________________
5. KASABIHAN
____________
5. PAGPAPALIWANAG SA KASABIHAN
______________________________​


Sagot :

Answer:

1. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.

Kapag mahirap ang buhay, matuto kang pagtiyagaan ang sitwasyon.

2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.

Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng masaganang pamumuhay.

3. Kung may tiyaga, may nilaga.

Kapag matiyaga ka at masipag, paniguradong may magandang bunga ito.

4. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.

Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito ay nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.

5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.

#BRAINLIESTMEPLEASE:<