PAGKATHA Naipaliliwanag ang Sariling Saloobin/Impresyon tungkol sa Mahahalagang Mensahe at Damdaming Hatid ng Akda Gawain 10: Kumatha ng isa HAIKU na ngpapakita sa mensaheng nais ipahatid sa mababasa ng kabanatang Pagsagip Mula sa Pangil ng mga Leon (Saknong 126-142). Lagyan ito ng pamagat at isulat sa kahong nakalaan sa ibaba. Gandahan ang sulat at iwasang magbura. Tandaan, katulad ng unang napag-aralan, ang haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito'y nagtataglay ng talinhaga.
Halimbawa ng Haiku: Pamagat Ulilang damo (5) Sa tahimik na ilog (7) Halika, sinta! (5)