👤

Sumulat ng isang iskrip tungkol sa karaniwang usapan ng iyong mga magulang.
RESPECT POST:)​


Sagot :

Answer:

*Umuwi galing trabaho ang ama ng tahanan*

*Nagsilapitan ang tatlo niyang anak upang magmano.*

Nanay: Ginabi ka yata ngayon?

Tatay: Oo nga e, sabado kasi. Mas'yadong magbigat ang traffic ngayon sa edsa.

Nanay: O, s'ya sige. Magbihis ka na muna sa kwarto at iinitin ko ang ulam sa kusina.

Tatay: Sige sige *nagbihis at pumuntang kusina*

*Sa kusina*

Tatay: *inabot ang sweldo* maliit na halaga nalang iyan, nakaltasan kasi kami para sa SSS at Pag-Ibig.

Nanay: Okay na ito, maipagkakasya ko na para sa buong linggo. Mahirap talaga ang buhay ngayon lalo na at may pandemya.

Tatay: Salamat sa pag-intindi Mahal. Hayaan mo, ipagdarasal ko palagi na mawala na itong Covid para bumalik na ang lahat sa dati.

Nanay: O siya, kumain ka na.

Medj corny pero keri na yan.