Sagot :
Answer: Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Track o Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal,Sining at Disenyo,at Sports sa Pagtuntong ng Senior High School Baitang 11 - 12
Mahalagang alamin ang sariling hilig at kakayahan upang tunguhin ang isang propesyon na magiging bahagi na ng iyong buong buhay. Sa kabanatang ito ng pagpili, hinihiling ang tiyak at wasto batay sa personalidad na nais ng isang tao.
Maaring gamitin ang mga tanong na nasa ibaba para sa mahusay na pagpapasya
Ano ang hilig ko?
Saan ako magaling?
Anong bagay ang ayaw kong gawin?
Bakit gusto kong gawin ang mga hilig ko?
Ano ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ko ito?
Anong kurso ang bagay sa hilig at husay ko?
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng tamang track o kurso
Tiyakin na ang gagawing pagpili ay nais ng puso at isip.
Gawing malinaw ang gusto; maaring kumuha ng iba’t ibang pagsasanay o training para matukoy ang hilig.
Huwag magpasya ng masaya o malungkot sapagkat malaki ang epekto nito sa gagawing pagpili.
Huwag magpapaepekto sa mga taong nakapaligid sa halip ay magpasya ayon sa nais.
Gumawa ng talaan na kakikitaan ng iyong interes at kahusayan; batay sa mga tala anong track o kurso ang bagay sa iyong personalidad.
Ang pagpili ng kurso ay isa sa pinakamahirap na pagpapasya sapagkat bilang kabataan ay marami tayong nais gawin sa buhay. Mahalaga na magkaroon ng matibay at komprehensibong pag-unawa sa sarili upang lubos na maunawaan ang nais marating.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring magtungo sa link na nasa ibaba:
Explanation: