Sagot :
Explanation:
Dapat panindigan ang katotohanan sapagkat ito ang nagbibigay ng halaga sa katotohanan. Mawawalan ng halaga ang katotohanan kung ito ay hindi paninindigan. Maging ang mga tao ay mawawalan ng interes na magsabi ng katotohanan at maging mabuti kung hindi naman ito bibigyan ng pagpapahalaga ng mga tao sa paligid nila. Magpapatuloy lamang sila sa sistemang tinatanggap ng lipunan sapagkat hindi naman nila nakikita ang kahalagahan na katotohanan. Bukod dito, ang mga bagay na totoo ay hindi tatanggapin ng tao na totoo kung walang maninindigan para dito. Maraming paraan kung paano paninindigan ang katotohanan. Halimbawa, kahit pa sabihin na ang pangulo ng bansa ay isang matuwid at makatwirang lider kung walang maninindigan na siya ay totoong matuwid at makatwiran, walang mamamayan ng bansa ang maniniwala sa katotohanang ito. Ang isang paraan upang panindigan ang katotohanang ito ay makibahagi sa mga programang ipinatutupad niya. Gayun din, kahit paulit ulit sabihin sa tao na merong Diyos na buhay kung walang maninindigan na ang Diyos ay buhay walang taong maniniwala o tatanggap sa ideyang ito bilang isang katotohanan. Upang paninindigan ang katotohanan na merong Diyos na buhay, kailangan ng tao na magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos at laging manalangin sa kanya.