Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap 1. Ang impormal na sektor ay mga industriya na nasa labas ng legal o normal na balangkas ng ekonomiya. 2. Masasabi na ang isang gawain ay napapaloob sa impormal na sektor kung nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon. 3. Dahil sa impormal na sektor bababa ang halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan. 4. Nasa impormal na sektor ang mga mamamayan na hindi makapasok sa mga kompanya na nangangailangan ng mga mataas na pinag-aralan, edukasyon at kasanayan. 5. Dahil sa impormal na sektor hindi nakakapagtrabaho ang mga mamamayan.