Ikaapat na Markahan, Ika - 8 Linggo Mga Gawaing Pampagkatuto Ang Kahalagahan ng Partisipasyon ng iba't ibang Rehiyon at Sektor sa Pagsulong ng Pambansang kamalayan Dahil sa pag-aabuso ng kapangyarihan at pagmamalabis ng mga Espanyol sa panahon ng kolonyalismo ay naging mitsa ito sa mga pag-aalsa ng mga Pilipino at nagpukaw ng masidhing damdamin upang labanan ang mga mananakop. Gawain 1 Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. 1. Bakit nag-alsa sa mga Espanyol si Hermano Pule? A.) Dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyon. B.) Dahil tinanggihan siyang maging pari sa kadahilanang siya ay isang katutubo C.) Dahil tinanggihan ng isang pari na mailibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang kapatid. ON D.) Dahil nais ng pari na magbigay sila ng abuloy sa simbahan. 2. Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol kaya nag-alsa sina Diego at Gabriela Silang. Ano ang uri ng dahilan ng kanilang pag-aalsa? A.) Pampulitika B.) Panrelihiyon C.) Ekonomiko D.) Encomienda 3. Ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa ay si A.) Juan Sumuroy B.) Diego Silang C.) Hermano Pule D.) Tamblot