Sagot :
Answer:
dahil hindi tayo nakialam sa ating mag ginagawa sa kalikasan
Answer:
3. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO2 ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.
4. Ang pagbabago ng klima ay ang malawakang pagbago sa panahon sa mundo. Dulot ito ng pag-init ng daigdig, na dulot naman ng pagpapalabas ng mga tao ng greenhouse gas. Bagamat nangyayari ang pagbabagong ito ilang beses na sa kasaysayan ng daigdig, nakapagtala ang mga tao simula noong ika-20 siglo ng mga makasaysayang malalaki at pandaidigang pagbabago sa klima ng mundo.
Ang pinakamalaking dahilan ng pagbabago ng klima ay ang pagpapalabas ng mga greenhouse gas sa atmospera, kung saan mahigit sa 90% sa mga ito ay karbon dioksido (CO2) at metano. Galing ang mga gas na ito sa panununog ng mga fossil fuel tulad ng uling, petrolyo, at langis para sa pagkonsumo ng enerhiya, bagamat may mga nanggagaling rin ang mga ito sa agrikultura, pagkalbo sa gubat, at lakas-paggawa. Naniniwala ang halos lahat ng mga nasa komunidad ng agham na ang tao ang puno't dulo ng mga pagbabagong ito. Napapabilis ang pagtaas at pagbaba ng temperatura ng mga climate feedback tulad ng pagkinang ng sinag ng araw sa niyebe at yelo, pagrami ng singaw (isang uri rin ng greenhouse gas), at pagbabago sa mga carbon sink sa kalupaan at karagatan.
Doble ang pagtaas ng temperatura sa lupa kaysa sa pandaigdigang kagitnaan (average), na nagpalawak naman sa laki ng mga disyerto at sa pagtaas ng dami ng mga heat wave at wildfire. Malaki rin ang itinaas ng temperatura sa Artiko, na nagresulta naman sa mabilisang pagtunaw ng permanenteng yelo, mga glacier, at mga tipak ng yelo sa dagat. Dahil rin sa pagtaas ng temperatura, lumaki ang nakokolektang singaw sa pamamagitan ng ebaporasyon, na nagresulta naman sa mga malalakas na bagyo. Sa mga ekosistema naman, nagdulot ito ng paglilipat o di kaya'y pagkaubos ng mga espesye ng hayop dahil na rin sa bilis ng pagbago ng kalikasan. Makikita ang epektong ito nang matindi sa mga korales sa ilalim ng dagat, sa mga kabundukan, at sa Artiko. Malaki ang banta sa mga tao ng pagbabago ng klima, lalo na sa seguridad sa pagkain, pagkaunti ng tubig, pagbaha, pagkalat ng mga nakakahawang sakit, matitinding init, pinsala sa ekonomiya, at pagkawala ng tirahan. Dahil sa mga bantang ito, idineklara ng Pandaigdigang Lupon sa Kalusugan ang pagbabago ng klima bilang ang pinakamalaking banta sa pandaigdigang kalusugan sa ika-21 siglo. Bagamat may mga matagumpay na pagsisikap na ginagawa sa kasalukuyan upang mapababa o matanggal nang tuluyan ang mga bantang ito, mararanasan pa rin ang epekto nito sa mga susunod na siglo, lalo na ang pagtaas ng karagatan, pagtaas ng temperatura ng dagat, at pag-asim (acidification) ng karagatan.