👤

APLIKASYON (APPLICATION) IKAAPAT NA ARAW
ISAGAWA-Subukan

Panuto: Upang mapalawak ang iyong kakayahan sa akdang napag-aralan.
Sumulat ng simpleng tulang tradisyonal na may temang tungkol sa
pag-ibig (maaaring tungkol sa Diyos, bayan, magulang, kaibigan at iba pa).




Need na po​


Sagot :

Answer:

"ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA ATIN"

|.

Ang Diyos ay pag-ibig na alay

Na sa mga tao ay binigay

Ang pag-ibig ay hindi mawawala

Kahit ang tao ay mamatay pa

||.

Ang pagmamahal ng Diyos sa atin

Hindi masusukat ng hanggang tingin

Hindi rin sa salita at awitin

Kundi sa kung paano sarili niya'y

Inalay para sa atin

|||.

Kung marami tayong napagdadaanan

Ito'y parte na ng ating kakayahan

At pagsubok para lumaban

Kasama Siya, ating landas at sandalan.

|V.

Sa kaligayahan, Siya'y huwag kalimutan

Pagkat sa kasaganahan,Siya ang dahilan

At ang kanyang pagmamahal ay walang katapusan

Mararamdaman mo ito,sa hirap at saya man.

V.

Maging maligaya ka dahil may buhay ka

Mangarap ka rin kasama siya

At laging maniwala sa kanya

Pagkat ikaw tao,mahal ka niya.

Explanation:

yan po naedit ko na po sana nakatulong po tong sagot ko huhu pabrainly po if nakatulong huhu