Sagot :
Answer:
Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na Philippine Organic Act (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga Moro at mga taong hindi Kristiyano. Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (Bill of Rights) na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa Washington, DC na luklukan ng pamahalaan ng Estados Unidos na dadalo sa mga sesyon ng Konggreso ng Estados Unidos. Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907. Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.[1]
Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng Katolisismong Romano bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas. Batay sa naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Estados at ng Lungsod ng Batikano, magkakaroon ng unti-unting pagpapalit ng mga prayleng Kastila na ang mga hahalili ay mga paring Pilipino at hindi Kastila, at ang pangunahing bahagi ng mga lupaing pag-aari ng mga prayle (na humigit-kumulang sa 166,000 mga hektarya) ay ipinagbili noong 1904 sa administrasyon ng Estados Unidos sa halagang US$7.2 mga milyon na ipinagbili naman pagdaka sa mga Pilipino.
Explanation: