👤

paano ka makakatulong sa pagtaguyod ng kapayapaan sa iyong pamilya

Sagot :

KOMUNIKASYON

Explanation:

Mahalaga ang komunikasyon sa pagpapatatag ng isang pamilya dahil ang isang pamilyang may magandang ugnayan ang nagbubuklod sa kanila. Ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ay magdadala sa bawat isa ng bukas na komunikasyon, ito ay paraan upang ang bawat kasapi ng pamilya ay magkaunawaan at magkaintidihan. Isa rin itong paraan upang malayang maipahayag ang saloobin at nararamdaman ng bawat kasapi ng pamilya.  Ang isang pamilyang may maayos at bukas na komunikasyonat nagkakaisa ay makakaiwas sa anumang away, kaguluhan, panganib at hindi pagkakaunawaan. Kung ang isang pamilya ay may malawak na pagkakaunawaan at pagkakaintindihan, magiging bukas ang kanilang isipan sa mga problema ng bawat isa at madaling masosolusyonan ang lahat ng ito ng magkakasama.