Sagot :
Answer:
Ang Kalagayan ng Kababaihan sa Kulturang Pilipino
Explanation:
Noong unang panahon sa bansang Pilipinas ang mga kababaihan ay hindi binibigyang pansin ng mga kalalakihan sapagkat ang mga babae raw ay dapat nasa loob lamang ng bahay gaya na lamang ni Maria hindi siya pwedeng makita sa labas sapagkat siya ang taong bahay, siya ang nagaasikaso sa loob, siya ang nagluluto, naglilinis at naglalaba. Hindi siya nakapag-aral sapagkat hindi sila binibigyan ng karapatan sa edukasyon.
Sa paglipas ng panahon ang mga kababaihan ay nabigyang pansin ng mga kalalakihan, maaari na silang mag-aral sapagkat tayong lahat ay may karapatan sa edukasyon. Nagagawa na ng mga kababaihan ang mga nagagawa ng kalalakihan. May mga pagkakataon na rin na may gawain na hindi kayang gawin ng lalaki pero nagagawa ng mga babae.
Si Maria ay naging malaya sapagkat nakapag-aral na sya at nagagawa na nya ang mga bagay na hindi nya nagagawa noon. Kaya ngayon lahat na tayo ay pantay pantay dahil lahat tayo ay may kanya kanyang karapatan. Ang mga kababaihan ay may malaking ambag sa ating lipunan.