👤

8. Si Mang Goryo ay mangingisda at ito ang ikinabubuhay ng kaniyang

pamilya. Sa kagustuhan niyang kumita nang malaki ay gumagamit siya ng

dinamita. Tama ba ang ginagawa ni Mang Goryo?

A. Oo, para madagdagan ang kaniyang kita.

B. Hindi, dahil baka tamaan siya ng dinamita.

C. Oo, dahil karapatan ng kaniyang pamilyang mabuhay.

D. Hindi, dahil ipinagbabawal ito at nakasisira sa kalikasan.


9. Pinaghinalaan ka ng iyong kapitbahay na nagnakaw ng kaniyang pera. Isang

araw, may nagpuntang mga pulis sa inyong bahay para arestuhin ka. Ano

ang dapat mong gawin?

A. Makipaglaban sa mga pulis.

B. Sumama sa mga pulis nang walang reklamo.

C. Hanapan ng warrant of arrest ang mga pulis bago sumama.

D. Magsabi ng mga hindi maganda sa mga pulis bago sumama.


10. Ang pamilya ni Alan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil ang

kaniyang mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na tumutulong sa

mahihirap. Ano ang dapat niyang gawin?

(1) Tumulong sa samahan na itinayo ng kaniyang mga magulang.

(2) Ingatan ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagiging mabuting

tao.

(3) Gawin ang mga naisin kahit makasira ito sa pangalan ng kaniyang

pamilya.

(4) Pumunta sa ibang bansa upang hindi madungisan ang pangalan ng

kaniyang pamilya.

A. 1 at 2 C. 1 at 4

B. 2 at 3 D. 3 at 4​