Suriin ang bawat pangungusap / pahayag. Isulat sa patlang ang KA kung ang pahayag ay tumutukoy sa Kahalagahan ng Agrikultura at HK kung Hindi. __________1. Ang pangunahing pinagmumulan ng suplay ng pagkain ay ang sektor ng agrikultura. __________2. Ang sektor ng agrikultura ang nagkakaloob ng mga hilaw na materyales na kailangan sa produksyon. __________3. Ang pag-aangkat ng mga produktong mula sa sektor ng agrikultura ay nakadadagdag sa kitang panlabas ng bansa.
__________4. Ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mga produktong mula sa sektor ng industriya.
__________5. Ang pagpasok sa bansa ng mga produktong agrikultural ang isa sa dahilan ng pagbaba ng kita ng mga magsasakang Pilipino para sa mga produktong lokal.
_________ 6. Ang sektor ng agrikultura ang tumutugon sa kakulangan ng manggagawa sa sektor ng industriya at paglilingkod.
__________7. Ang pagsasaka,pangingisda ay mga hanapbuhay na ipinagkakaloob ng sektor ng agrikultura.
__________8. Ang kopra, hipon, abaka, at mga prutas ay ilan lamang sa mga produktong iniluluwas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan at nagbibigay ng kitang panlabas.
__________9. Mas makabubuting linangin ang kakayahan ng mga Pilipino sa paggawa sa mga industriya upang maging mainam ang sektor ng Agrikultura.
__________10.Ang paggamit ng teknolohiya ay isang mabuting pamamaraan upang mapagyaman ang agrikultura ng bansa