👤

1. Anong gawaing pansibiko ang inilalarawan sa pagtuturo ng mga batang

lansangang bumasa at magsulat?

A. edukasyon C. kalusugan

B. kalikasan D. pampalakasan


2. Anong gawaing pansibiko ang inilalarawan sa pagsasagawa ng libreng

operasyon para sa mga may biyak na labi?

A. edukasyon C. kalusugan

B. kalikasan D. pampalakasan


3. Anong gawaing pansibiko ang inilalarawan sa pagbubuo ng liga para sa

palaro sa inyong barangay?

A. edukasyon C. kalusugan

B. kalikasan D. pampalakasan


4. Anong gawaing pansibiko ang inilalarawan sa pagpunta sa komunidad ng

mga Mangyan upang maranasan ang pang-araw-araw nilang pamumuhay at

makatulong sa kanila?

A. edukasyon C. kalusugan

B. kalikasan D. pampalakasan


5. Anong gawaing pansibiko ang inilalarawan sa pagsama sa pagtatanim ng

maliliit na puno sa Sierra Madre?

A. edukasyon C. kalusugan

B. kalikasan D. pampalakasan

6. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa?

A. pagbabalik ng pitaka sa may-ari

B. pagnanakaw ng pera sa kaklase

C. pagbibigay problema sa mga kapitbahay

D. hahayaan ang kamag-aral na lumiban sa klase


7. May nakasalubong kang babae na may maraming pasa sa mukha at hindi

makalakad ng maayos. Ano ang gagawin mo para makatulong?

A. humingi ng saklolo sa iba

B. wala kang balak tulungan siya

C. hayaan dahil hindi naman kamag-anak

D. sabihin sa kanya na ayusin ang paglalakad


8. Ano ang nararapat mong gawin kung ang iyong ina ay nakikiisa sa

pagtatanim ng halaman sa barangay?

A. manonood na lang ng TV C. tutulong para madaling matapos

B. makikipaglaro na lamang D. titingnan lang ang kanilang ginagawa


9. Nauna kang pumasok sa silid-aralan. Nakita mong madumi pa ang loob

nito. Ano ang nararapat mong gawin?

A. panonoorin lang C. hintayin na dumating ang guro

B. lalabas at makipaglaro D. kusang maglinis sa silid-aralan


10. May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng

direksyon. Ano ang dapat mong gawin?

A. Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago.

B. Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan.

C. Hindi sila papansinin dahil wala kang balak kausapin sila.

D. Humingi ng tulong sa taong marunong makipag-usap sa kanila.​