3. Bakit nagtagumpay ang mga Espanyol sa pagsakop sa mga katutubo?
A. Wala pang karanasan ang mga katutubo sa pakikipaglaban.
B. Mas malakas ang pwersa ng mga Espanyol.
C. Mahina ang pwersa ng mga katutubo.
D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang naging resulta nang HINDI maayos na pamamahala ng mga Espanyol sa
mga katutubo? Sila ay ______________________.
A. nagkaroon ng mga pag-aklas laban sa kanila
B. naging mas malakas ang pwersa ng mga katutubo
C. naging mas malakas ang pwersa ng mga Espanyol
D. naging sunud-sunuran ang mga Espanyol sa mga katutubo
5. Sino ang nagsilbing tagatugis ng mga katutubong nagrebelde at hindi
sumang-ayon sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol?
A. datu B. militar C. prayle D. sultan
6. Bakit nanaisin ng isang bansa ang manakop ng ibang lupain? Upang ___________.
A. makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa
B. makuha ang kayamanang taglay ng masasakop na lupain
C. palawakin ang kanilang teritoryo
D. lahat ng sagot ay tama
7. Bakit ang Isla ng Cebu ang itinakdang kauna-unahang Pamayanang Espanyol sa
Pilipinas? Dahil __________________.
A. ninais ng mga Cebuano na makipagkaibigan sa mga Espanyol
B. maganda ang lokasyon ng lugar ng Cebu upang gawing pamayanang Espanyol
C. nahirapan ang mga Espanyol sa pagkumbinsi sa mga Cebuano na sumunod
sa kanila
D. dito naganap ang kauna-unahang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at
mga Pilipino at upang mas lalong makontrol ang mga Cebuano sa kanilang
pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan
8. Alin ang HINDI nagpapatunay sa pahayag?
Ang mga paring misyonero ay protektado ng pwersa militar ng mga Espanyol.
A. Ang mga pari ang sumbungan ng mga katutubo sa mga pang-abuso ng mga militar.
B. Ang mga militar ang siyang nagsilbing tagabantay ng pamayanang naitatag dahil
sa Reduccion.
C. Ang pwersa militar ang tagatugis ng mga katutubong hindi sang-ayon sa mga
paring misyonero.
D. Sapilitang pinalipat ng mga militar ang mga katutubo sa bayan upang mas madali
ang pagbinyag sa kanila ng mga prayle na maging Kristiyano.
9. Piliin ang SANHI ng pangyayari.
Naging marahas ang mga Espanyol sa mga katutubo.
A. Natatakot ang mga katutubo sa mga Espanyol.
B. Nagbabayad ng buwis ang mga katutubo sa mga Espanyol.
C. Ang mga katutubo ay sunud-sunuran sa mga kagustuhan ng mga dayuhan.
D. Sinamantala ng mga Espanyol ang kanilang kapangyarihan sa mga katutubo.