👤

paano mararanasan ang isang komunidad pangkapayapaan​

Sagot :

Answer:

Ano ba ang kapayapaan? Ito ang katahimikan at kapanatagan ng pag-iisip; walang anumang ina-alaala mahinahon sa pagkilos, at may kalayaang ipahayag ang niloloob. Kung walang humahadlang na mga kaisipang tulad ng pangamba, pagkatakot, at mga pagkalito; ang Kapayapaan ay sumisibol sa puso mo.

Ang kapayapaan na nasa ating kalooban ay magagawa lamang maihayag kung bubuksan natin ang ating mga puso. At kung nais nating may kapayapaang naghahari sa ating lipunan, simulan natin sa ating mga sarili.

  Bawa’t isa sa atin ay makapagtatanim ng mga binhi ng kabaitan, kabutihan, at pagmamalasakit sa ating kapwa, isang kaisipan sa isang pagkakataon, isang kapasiyahan sa isang pagkakataon, isang pagdamay sa isang pagkakataon, at isang araw na may malaking kaibahan. Unti-unti ang mga kapasiyahang ito ang bumubuo ng maaliwalas na kapaligiran, ng matiwasay na buhay patungo sa kapayapaan. Kung kaya’t sa patuloy na mga kaisipang itinatanim natin araw-araw sa ating mga sarili, nagbubunga ito ng mga pagkilos, at sama-sama nating naihahayag ang liwanag na mapayapa o ang kadiliman ng pagkatakot, pagkakawatak-watak, at walang hintong mga karahasan. At sa antas na kung saan, bawa’t isa sa atin ay nasumpungan ang kapayapaan; ay lumalawak ito tungo sa antas ng bayanihan na siya namang lumilikha ng kapayapaan.

Ang tunay na kapayapaan lamang ay nasa ating kalooban. Ang kapayapaan ay nagsisimula sa bawa’t isa sa atin. Kung mapayapa ang iyong kalooban, nakakaakit ito ng mapayapang mga relasyon. Nagiging sukatan ito upang magpatuloy ang mga pagtitiwala at pagsasama nang maluwat. Sapagkat anumang lumulukob sa iyong kaisipan; sa iyong mga pagkilos, ito’y nagiging katotohanan. Lahat ng ating nakakadaupang-palad  sa araw-araw; ang ating pamilya, mga kaibigan, mga kakilala, o maging mga katrabaho, ay nararamdaman at nabibiyayaan nito. Ito’y tumatalab at nanonoot sa ating mga damdamin. At kapag ang komunidad o pamayanan ay mapayapa, ang mga lungsod, at ang buong kapuluan ng ating bansa ay pangingibabawan ng kapayapaan, at ito’y nagsisimula lamang kapag natuklasan na natin ang kapayapaan sa ating mga kalooban.

  Minsan may nagtanong sa akin kung bakit hindi ako nakikiisa o sumasama sa mga protesta at demonstrasyon na laban sa digmaan. Ang sagot ko’y kailanman ay hindi ko ito gagawin, ngunit kung may biglaang martsa upang itaguyod ang Kapayapaan, ako ang kauna-unahang makikilahok.

Explanation:

#CARRY ON LEARNING

PAKIBRAINLIEST AND HEART