👤

dayalog gamit ang ibat-ibang pangungusap​

Sagot :

Answer:

Dayalogo: Iba't Ibang uri ng Pangungusap

Ana: Maari po bang magtanong? (Pakiusap)

Maria: Oo naman! (Padamdam). Ano po ba ang nais ninyong malaman?

Ana: Mayroon po kasi akong kaibigan na dito sa lugar ninyo nakatira. (Pasalaysay) May kilala po ba kayong Sarah Rodriguez? (Patanong)

Maria: Ang tinutukoy mo bang Sarah ay matangkad at balingkinitan ang pangangatawan? (Patanong)

Ana: Opo. Siyanga po. Maari nyo po bang ituro kung alin sa mga ito ang bahay niya? (Pakiusap)

Maria: Lumakad ka patungo sa kaliwa at bumilang ng tatlo. (Pautos) Ang ikatlong bahay na makikita mo ay ang tirahan nina Sarah.

Ana: Naku! (Padamdam). Maraming salamat po. Sa wakas ay magkikita na kami ng kaibigan kong si Sarah.

Maria: Walang anuman po. Mag - ingat po kayo sa daan. (Pautos)

Explanation:

#CARRY ON LEARNING

PAKIBRAINLIEST AND HEART