Sagot :
Answer:
8. Siya ang nanalo sa ginanap na Snap Election at pumalit kay Pangulong Marcos.
A. Corazon Aquino
C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Fidel Ramos
D. Joseph Estrada
»A. Corazon Aquino
Explanation:
Naganap ang "SNAP ELECTION" noong Pebrero 7, 1986. Ang eleksiyon na ito ay isa sa mga pinakakontrebersyal, na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabilang ng boto ang Komisyon ng halalan (COMMISSION ON ELECTIONS o COMELEC), na si Pangulong Marcos ang nagwagi.
Ayon naman sa Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto (NATIONAL MOVEMENT FOR FREE ELECTIONS o NAMFREL) isang akreditadong tagamasid ng halalan (POLL WATCHER), nanalo si Pangulong Corazon Aquino laban kay Pangulong Marcos.
Matapos ang rebolusyon, marami pa rin ang suliranin ang kinakaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino, ay unti-unting bumalik ang demoktratikong intitusyon sa bansa.
"Corazon Cojuangco- Aquino (1986- 1992)"
Napaalis si Pangulong Marcos sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA. Nagsimulang manungkulan si Pangulong Corazon Aquino sa gitna ng maraming suliraning naiwan ng dating pangulong Marcos. Kabilang sa mga suliranin ay ang paglugmok ng ekonomiya at malawakang paghihirap ng mga mamayan. Maging ang malaking pagkakautang sa mga dayuhang bansa. Kasama rin ang pagkalugi ng mga bangkong pag-aari ng pamahalaan. Kabil pagbagsak ng moralidad ng mga mamamayan. Problema rin ang pag- aalsa ng mga militar tulad ng kudeta (coup d’etat). Ito ay pag-aaklas ng isang maliit na organisasyong grupo o seksiyon ng estado upang pabagsakin at palitan ang nakaluklok na gobyerno. Marami ang nagnais sa hanay ng militar na halinhinan at patalsikin si Pangulong Corazon Aquino. Subalit dahil nasa likod niya ang simbahan at mga mamamayan. Naisulong din niya ang panunumbalik ng demokrasya.
rin ang pagkalugi ng mga bangkong pag-aari ng pamahalaan. Kabil pagbagsak ng moralidad ng mga mamamayan. Problema rin ang pag- aalsa ng mga militar tulad ng kudeta (coup d’etat). Ito ay pag-aaklas ng isang maliit na organisasyong grupo o seksiyon ng estado upang pabagsakin at palitan ang nakaluklok na gobyerno. Marami ang nagnais sa hanay ng militar na halinhinan at patalsikin si Pangulong Corazon Aquino. Subalit dahil nasa likod niya ang simbahan at mga mamamayan. Naisulong din niya ang panunumbalik ng demokrasya. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino, napatatag niya ang pamahalaan laban sa mga ibig magpabagsak nito. Nakapagpatupad siya ng mga programang pang-ekonomiya at libreng edukasyon sa sekondarya. Maging ang karapatan sa pagboto at pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos. Maging paglikha ng Saligang Batas 1987 na naging saligan ng ating pamahalaan hanggang ngayon.
#Carryonlearning
#StudyHard
#StaySafe