Halimbawa: Nagbibilang ng poste - Tambay/ o walang trabaho. LUPIT NG BAGYO Nagising ako magbubukang liwayway na . Sinilip pa lamang ako sa siwang ng aming bintana nang tumilaok ang tandang. Parang kulambong itim ang kalangitan na para bagang ang buong baryo ay kinumutan ng itim.umaalimpuyo at umuugong ang malakas na hangin! Ulan kaya ito? Napakasama ng panahon. Ito na marahil ang bagyong si Reming nakakabagbag damdamin pag ganito ang panahon marami na naman ang maaapektuhan. Nagbigay anunsyo at babala na sa taumbayan ang PAG-ASA. Walang pasok sa lahat na antas ng paaralan . At ang lahat ay pinaghahanda sa darating na unos. Sa palagay ko kapag humampas ang bagyo maraming masasalantang pananim lalo na ang aanihing palay. Huwag naman sana. Pinag-iingat din ang mga tao sa banta ng nangangalit na daluyong. Sumapaw na ang mga ginintuang butil ng mga palay; Siguro titigil agad ang ulan at hangin. Bukas sisilay na ang ginintuang araw. Sagoti