👤

1. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa linya.
1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag-ensayo
kasama ang kanyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games.
3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay
mangyari.
4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal.
5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang
ating mga hinihiling sa kanya.
6. Ang pag-asa ay nakapagpapalakas ng loob.
7. Maaari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala ka nito.
8. Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay makapagpapasaya sa taong nagbibigay nito.
9. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring makapagbigay ng pag-asa.
10. Ang pagbibigay ng pag-asa ay nararapat lamang na totoo sa iyong kalooban.​