Isulat ang GP kapag ang pangungusap ay tumutukoy sa gampaning pamahalaan at GM kapag ito naman ay tumutukoy sa gampaning mamamayan.
_____1. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng kontribusyon sa paglikha ng yaman ng bansa. _____2. Importante ang pagkakaroon ng matatag na pananalapi. Ito ay nakakatulong upang maihatid ang mga serbisyo ng pamahalaan. _____3. Kailangan nating tangkilikin ang sariling produkto upang makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa. ____4. Mag-iipon at pag- iingat at nagbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay serbisyo. ___5. Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang maghikayat ng mga negosyanteng magtayo ng negosyo sa ating bansa.