Suriin Natin Ilarawan ang magiging epekto ng mga sumusunod na pangyayari. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Sinindihan ni Totoy ang paputok para sa Bagong Taon. A. Pwede itong makapinsala sa kamay at iba pang bahagi ng katawan kung maputukan. B. Pwede itong makapagbigay ng saya sa pagdiriwang. 2. Nakipag inuman si Mang Nilo sa kaarawan ng kanyang kumpareng si Mang Pedro. A. Umuwi siyang nagsusuka, nahihilo at masama ang pakiramdam. B. Marami siyang nakilalang mga kaibigan. 3. Nagpaputok ng baril si Mang Dante upang salubungin ang Bagong Taon A. Nagreport sa pulis ang kanyang kapitbahay dahil ito ay ipinagbabawal. B. Nakadagdag ng ingay para sa Bagong Taon ang ginawa ni Mang Dante. 4. Namimili ng mga malalakas na paputok ang tatay para sa Bagong Taon. A. Naputukan ang kamay ni tatay dahil hindi nya nabitawan agad ang sinindihang paputok. B. Pinuntahan si tatay ng mga kapitbahay upang manghingi ng paputok. 5. Masayang ipinagdiwang ng pamilya ni Aling Rowena ang Bagong Taon gamit ang pagpapatunog ng torotot at pagtugtog ng trumpeta. A. Walang miyembro ng pamilya ang napahamak. B. Nagalit ang mga kapitbahay dahil sa ingay ng torotot