Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas. Panuto: Mula sa iyong nabasa, subukan mo ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ito sa kuwaderno. 1. Ano-ano ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong Akademiko, Teknikal- Bokasyonal Sining at Disenyo, at Isports sa pagtuntong mo ng Senior High School? 2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng iyong track o kurso at hanapbuhay? 3. Alin sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ang iyong higit na isinaalang- alang? Alin ang hindi? Ipaliwanag. 4. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang 9) na may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing track o kurso o hanapbuhay? Mula sa Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapatkan batang & Move Para sa Aug saral (Pasig City Kagawaran ng Edukasyon 2015), 217 227