Balikan Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay TAMA O MALI Isulat sa sagutang papel. 1. Mahalagang suriin muna ang mga pansariling salik bago pumili ng track o kursong kukunin 2. Ang talento, kasanayan, kakayahan, pagpapahalaga, at mithiin ay mga halimbawa ng mga pansariling salik na dapat suriin ng bawat isa. 3. Ang talento ay tumutukoy sa kapasidad o abilidad ng isang tao, at kaya niyang gawin ang isang bagay dahil eksperto at sapat ang kanyang kaalaman dito. 4. Ang salitang "valore" ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang pagiging malakas o matatag, pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay sa sarili at sa ibang bagay. 5. Ang espesyal na kakayahan o kagalingan sa isang bagay ay tinatawag na kasanayan 6. Ang teoryang "Multiple Intelligences" ay nagmula kay Sto. Tomas de Aquinas 7. Ang hilig ay isa sa mga pansariling salik na tumutukoy sa mga bagay na gustong gusto mong gawin, mga bagay na kapag ginagawa mo ay may kasiyahan kang nararamdaman sa iyong sarili. 8. Ang pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. 9. Kung ang isang tao ay mahilig makipagkwentuhan sa ibang tao siya ay may taglay na talinong Intrapersonal. 10. Ang kasanayan sa pakikiharap sa mga tao ay isang uri ng talento