Tempo Ang Tempo ay isang elemento ng musika na naglalarawan sa bilis o bagal ng musika. Maaaring masukat ang tempo sa pamamagitan ng metronome. Ito ay ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa isang minuto. Ang bilang ng beat o kumpas ay makikita sa kaliwang-itaas na bahagi ng isang awitin. Bukod sa metronome, maaari rin tayong gumamit ng mga salitang naglalarawan ng iba't ibang tempo ng salitang ito ay nagbibigay ideya sa mga mang-aawit at manunugtog kung gaano kabilis o kabagal ang dapat awitin o tugtugin ang isang kanta, Maliban sa salitang italya, maaari ding gamitin ang salita o wika ng kompositor, Kung ang kompositor ay Pilipino, maaaring gamitin ang wikang Filipino. Pag-aralan sa ibaba ang bilang ng kumpas sa isang minuto ng sumusunod na terminolohiyang musikal, a ang katumbas nito sa Wikang Filipino at Wikang Ingles. Libreng pontos