Panuto (para sa bilang 21-20): Tukuyin ang mga salitang nanghihikayat na angkop sa bawat pahayag upang mabuo ang talata. Sagot lamang ang isulat sa iyong sagutang papel, A. Walang duda D. Tunay nga G. Sigurado B. Totoo E. Naniniwala H. Kung susuriin natin C. Hindi maaari F. Subalit 21._______ hindi matatawaran ang pagmamahal nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca sa anak nilang si Florante. Bagama't nag-iisang anak, 22._______ palakihin si Florante sa layaw. Kailangan niyang matuto ng iba't ibang kaalaman at mga pagpapahalaga sa buhay. 23._______ ang kaniyang amang darating ang panahon na kailangan ni Floranteng tumayo sa kaniyang sariling mga paa, 24._______ maraming mga pagsubok sa buhay si Florante 25._______ nalagpasan niya ang lahat ng iyon dahil sa mga natutunan niya sa kaniyang mga magulang at sa pag-aaral. 26._______ ngang napakadakila ng pag-ibig ng isang magulang para sa kaniyang anak. 27.______ handa niyang isakripisyo maging ang sarili para mabigyan lamang ito ng magandang buhay. 28.________ walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang ikaliligaya at ikatatagumpay ng kanilang anak. 29.________ makikilala sa anak ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang nito. Kung wasto ang pagpapalaki ng mga magulang sa anak, 30.________ lalaki rin silang kapakipakinabang sa lipunan.