👤

1. Ang pandemyang dala ng COVID19 ang naglagay sa mga Pilipino na maranasan ang iba't ibang mga pagsubok sa buhay. Iba-iba man ang pananampalataya, lahat ay patuloy na nagdarasal.
Ito ay pagpapatunay na
A. matibay ang pananalig ng bawat Pilipino.
B. nawalan ng pag-asa dahil sa pandemya.
C. inaasa na lamang lahat sa Diyos.
D. may takot dala ng pandemya.

2. Sa panahon ngayon ay maraming mga pagbabagong nagaganap sa ating buhay anuman ang
edad, kasarian, relihiyon, at katayuan sa buhay. Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ating
pananalig sa Lumikha. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Ang mga tao ay magkakaiba sa lahat ng pagkakataon.
B. Hindi nawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok.
C. May mga pagkakaiba subalit sa pananalig tayo ay nagkakaisa.
D. Lumalapit sa Panginoon ang mga tao kapag may kailangan lamang.​