👤

Gawain Pagkatuto 5.3 Pagtukoy sa uri ng pangungusap Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. etra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang bilao ay yari sa rattan o mas kilala sa tawag na yantok. a. Pasalaysay c. Pautos b. Padarndam d. Patanong 2. Woo! Ang ganda ng pagkagawa ng silya at mesa. a. Pasalaysay c. Pautos b. Padamdam d. Patanong . Rosa, kunin mo ang walis tingting sa kusina. a. Pasalaysay c. Pautos b. Padamdam d. Patanong . Bakit kailangan nating gumamit ng pamaypay? a. Pasalaysay c. Pautos b. Padamdam d. Patanong 1. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging. a. Pasalaysay c. Pautos b. Padamdam d. Patanong​

Sagot :

Gawain Pagkatuto 5.3

Pagtukoy sa uri ng pangungusap Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. etra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang bilao ay yari sa rattan o mas kilala sa tawag na yantok.

  • A. Pasalaysay

2. Woo! Ang ganda ng pagkagawa ng silya at mesa.

  • B. Padamdam

3. Rosa, kunin mo ang walis tingting sa kusina.

  • C. Pautos

4. Bakit kailangan nating gumamit ng pamaypay?

  • D. Patanong

5. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging.

  • A. Pasalaysay

---------------------------------------------------

Mga Uri ng Pangungusap at Ang Kahulugan nito.

  • Pasalaysay - Ito ay pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay ng pangyayari at nagtatapos ng tuldok (.).
  • Patanong - Ito ay pangungusap na nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan. Nagtatapos sa tandang pananong (?).
  • Pautos - Ito ay isang pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos sa tuldok (.).
  • Pakiusap - Ito ay isang pangungusap na nakikisuyo o nakikiusap. Gumagamit
  • ito na salitang “paki”. Nagtatapos sa tuldok (.).
  • Padamdam - Ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa, lungkot,pagkagulat at iba pa. Nagtatapos sa tandang padamdam (!).