Sagot :
Answer:
Ipinakita ni Crisostomo Ibarra ang kanyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang nais na makapag patayo ng paaralan sa San Diego.
Explanation:
Matatandaang si Crisostomo Ibarra ay ipinadala ng kanyang ama sa Europa upang makapag aral. At makatapos ang pitong taon ay bumalik sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ng ama.
Kung ang ibang Pilipino na nakaranas ng kaginhawaan sa ibayong dagat ay umaalis sa Pilipinas, mas pinili ni Ibarra na mamalagi sa Pilipinas upang maisakatuparang ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng isang paaralan sa San Diego.
Bukod pa rito, tinulungan nya rin si Elias na isa sa mga Pilipinong aktibong nakikipaglaban sa gobyerno ng Kastila at naging instrumento sa kanyang pagbabalik sa ikalawang pagkakataon bilang si Simoun upang ipaghiganti ang mga taong naging biktima ng kalupitan ng mga Kastila.